"PARA SAYO AMING INA"
-eday- .
Sa araw-araw na pagsisikap
At buong buhay na paghihirap
Lagi kang na’ron sa aming tabi
At sa’miy tila isang bayani
Bakit nilisan ating tahanan
At nanahan sa dayuhang bayan?
Marahil ito'y para din sa’min
Upang pamilya’y di na maghirap
Di makatiis sa ating bayan
Ang bayang puno nang kahirapan
Na halos lahat ay nais lisan
Kapag sila ang nangangailangan
Na dulot ay lungkot sa pamilya
Ngunit ina sayo’y alala
Kalagayan mo’y nais Makita
Pangungulila sa iyong pag-alis
Iyong kaligtasa’y laging nais
Sa bawat araw na dumarating
Nais lang ay ang iyong pagdating
At kompletong pamilya sa wakas,
Magbabalik sa dating sigla.
[ I made this last 2007 for our journal in Filipino 1, when I was in first year college... ]
No comments:
Post a Comment